Friday, October 30, 2009

Early Campaigning

Election 'candidates' (still to file their candidacies) have started to litter our streets with their faces on posters, streamers, and billboards.

Most of the wannabees employ the more cautious tact of greetings for fiestas, graduation, anniversaries, inaugurations, as if residents and constituents really care for their greetings. Some utilize their specific livelihood programs, and community improvement projects (barangay welcome posts or better roads), or the call to register as voters in the 2010 elections.

Yet there are some wannabes who opt to insult our intelligence with streamers that practically call for a VOTE for him/her, when the election campaign has not yet started. Tama ba ito before the election campaign period starts?

Here's a blatant example of one of the many streamers of a QC barangay captain who plans to run for Councilor of District 1. The photo is taken by a phone camera while we were waiting for the green light at the corner of Amoranto St., and D. Tuazon St. (definitely outside of his barangay) on Saturday, October 24, 2009. Many more of this streamer are hang on utility cables along Del Monte Avenue, D. Tuazon, and other major streets of District 1 in Quezon City.Perhaps, after the deadline of voter registration, Comelec officials can take note of this.


I can already here him explaining that there are other words in the streamer. %#%$&$# Stop treating us like idiots, Mr. Also-Ran. A streamer is meant to be read from afar with the naked eye. No one is going to climb up the post to read the fine print. Besides, why is the streamer hanging from an electrical/phone cable?

Wednesday, July 9, 2008

Illegal legals

Tricycles have never been type-approved by LTO, so technically tricycles are illegal vehicles. So why is Tarlac Rep. Edno Joson proposing to allow these vehicles to ply the EDSA route. I'm actually cringing in disbelief. However, the Local Government Code recognizes tricycles as a mode of transport.

We are actually living in a situation where the illegal exists with the legal. Our initial list includes:
  • prostitution
  • jueteng
  • FX taxis
  • tricycles
  • overloaded cars
  • overloaded tricycles
  • overloaded motorcycles
  • overloaded jeeps
  • pirated movies and music
  • sidewalk vendors
  • rampant littering
  • kotong cops

Monday, March 31, 2008

ANGELA STUART SANTIAGO: Sana Maulit Muli ...Ang Boykot

Ang pagiging epektibo ng boykot ayon sa kasaysayan. Mula sa aklat ni Angela Stuart Santiago na Walang Himala! Himagsikan sa Edsa na mababasa sa http://www.stuartxchange.org/Edsa.html

Sana Maulit Muli . . . Ang Boykot.


Ang nakapagtataka sa EDSA: kahit anong pambobola at paglilihim nina Enrile at Ramos, People Power pa rin ang nangibabaw at nasunod. Paano nangyari?

Importanteng isaisip natin na noong nag-aklas sina Enrile at Ramos, pitong araw nang nag-aaklas ang mga Coryista. Ibang klaseng pag-aaklas nga lamang ­ hindi armadong pakikibaka kundi simpleng pagsuway sa Awtoridad at di-pagtangkilik sa mga produkto at serbisyo ng crony economy. Noong boykot pa lang, kung tutuusin, nagsimula na ang rebolusyon na nauwi at natapos sa EDSA. Tandang-tanda ko pa ang kakaibang sigla at tensiyon ng panahong iyon. High na high at sakay na sakay sa kampanyang boykot ang sampung milyong Pilipino na bumoto kay Cory ­ binitawan ang nakasanayan nilang peryodiko at lumipat sa mga diyaryo ng alternative press, tiniis ang paboritong beer at gin at nag-trip sa whiskey at lambanog, inisnab ang paboritong softdrinks at dairy products at nawiwili na sa buko juice, dirty ice cream, at kesong puti. Naisip ko noon na tuwang-tuwa siguro ang mga nasyonalista 'pagkat sa isang iglap, naibaling ng madlang mamimili ang tangkilik nila sa mga produkto ng maliliit na negosyong Pinoy. Higit pa, nagustuhan nila ang natikman at nalanghap na pagbabago. Namulat sila sa katotohanang okey din pala ang lokal at puwede nga palang magbago ng ugali. Sa kasawiang palad, naudlot ang rebolusyong ito at natabunan ng yugtong EDSA. Nag-alsa kasi sina Enrile at Ramos (1) para matigil ang boykot at maibsan ang economic crisis ng mga crony; at (2) para maka-eksena sila at makapagprisinta sa publiko ng alternatibo kay Cory. Natupad ang una, nadiskaril ang boykot, ngunit sa kababaluktot nina Enrile at Ramos ng katotohanan, ang ikalawa ay hindi naipatalastas nang malinaw. Nasa ibang wavelength kasi noon ang mga tao na siyempre ay labis na na-excite sa balitang pag-aalsa, nangangahulugan kasi na nagwawatak na ang militar ni Marcos. At kung masusuyo nila ang rebeldeng militar na sumama na sa kanila, lalong maganda para sa kilusan ni Cory. Kumbaga, tuloy ang rebolusyon, napadpad nga lang sa EDSA at nakarekrut ang mga Coryista ng hukbong militar. At hindi nagtagal, napatunayang tama ang taong-bayan: iba na ang may sariling army. Kung hindi sa mga aksiyon ng bagong AFP ni Ramos noong ikatlong araw ng EDSA, maaaring nakahirit pa si Ver at si Bongbong noong gabing iyon o kinabukasan. Sa madaling salita, hindi nabola nang todo nina Enrile at Ramos ang taong-bayan sapagka't marunong mag-isip ­ intelehenteng puwersa ­ ang People Power. Noong nagkaisa ng paninindigan at mithiin ang maraming-maraming tao, ang nabuong puwersa ay hindi lamang ubod ng tapang kundi ibang klase rin ang dunong; alam kung anong mabuting gawin para makamit ang minimithi.


Kakaiba ang puwersa ng madla: ito ang pinatunayan ng People Power. Mas maraming tao, mas makapangyarihan. Basta may napagkaisahang mithiin ­ kahit anong babaw, kahit anong lalim ­ ang maraming-maraming tao, madaling nalalampasan ang kanya-kanyang mga hinaing at pagkakaiba-iba, at nagkakaroon ng puwang para pahalagahan at ipaglaban ang pangkalahatang kapakanan. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa EDSA, naranasan ng taong-bayan ang pakiramdam at kapangyarihan ng nagkakaisang lipunan.

Sa kapaligiran mismo ng EDSA, ibang klase ang naging ugnayan at pakikitungo ng bawat Pilipino sa isa't isa. Tila ibang mundo ang ginagalawan nila noon, kung saan lahat ay pantay-pantay, lahat ay may karapatan at may papel na ginagampanan, walang mahirap, walang mayaman, walang nagugutom, walang nandaraya, walang Kristiyano, walang Muslim, walang Kanan, walang Kaliwa. Kumbaga, nakatikim ang Pilipino ng isang mundo na dati'y sa panaginip o sa pelikula lamang nasisilip. Mundo na ubod nang saya dahil kabutihan at pagmamahalan ang naghahari. Mundo na minimithi ng bawat lahi at relihiyon, na kaya palang abutin at tamasahin sa buhay na ito, basta nangingibabaw ang pagkakaisa at handa ang taong-bayan na ipaglaban ang kapakanan ng lahat at hindi ng iilan. Mabuhay ang taong-bayan! ®

Saturday, March 29, 2008

2007: ANG PAGBANGON NG PILIPINO

http://michaelxiaochua.multiply.com/journal/item/79

Magpapatuloy ba ang pagbangon sa 2008?

ANG PAGBANGON NG PILIPINO:

Mga Obserbasyon sa Mga Pangyayari sa Ating Bansa sa Unang Bahagi ng 2007

Michael Charleston B. Chua

Departamento ng Kasaysayan

Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman

Lagi kong sinasabi sa mga klase ko sa Kasaysayan na sa aking obserbasyon nitong mga nakaraang panahon, nawawalan na tayo ng tiwala sa ating pagka-Pilipino at sa ating kayang gawin bilang isang mamamayan upang magkaroon ng magandang simula. Kaya naman marami ang ikinakahiya ang kanilang pagka-Pilipino at isinasawalang bahala ang kanilang mga responsibilidad at karapatan bilang bahagi ng bansa.

Sa kabila ng sinasabing pandaraya, kung mayroon tayong magandang nakita sa nakaraang halalan, ito ay ang pagbotong pinag-isipan ng mas maraming mga tao. At hindi lang ako ang may obserbasyon na ito kundi sa marami di sa mga nakausap ko. Hindi katulad noong mga nakaraang halalan, marami sa mga kilalang personalidad ang hindi nahalal ngayong taon nang dahil lamang sa kanilang popularidad. Marami sa mga artistang nahalal ay yaong mayroon nang track record na. At sa kabila ng paggastos ng lubos ng ilang pulitiko sa media advertisements na sa aking palagay ay naging matagumpay naman upang makilala sila ng lahat, hindi naging sapat ito upang sila’y maihalal. Samantalang mayroong hinalal na hindi hamak na mas kaunti ang nagastos.

Ang paglitaw mula sa oposisyon ng mas nakararami sa mga halal na senador ay hindi lamang referendum sa tunay na pulso ng bayan sa panguluhang Arroyo, kundi pagpapamalas din na ang tunay na boses ng sambayanan, sa pamamagitan ng ating pinagsama-samang balota at pagbabantay nito, ay hindi basta-basta magagapi ng may hawak ng mas makapangyarihang makinarya.

Makikita rin na mas naging mapagmasid ang tao sa kanilang mga boto. Sa pamamagitan ng text messaging naipakita muli kung paanong nakialam ang marami tungkol sa dayaan.

Senyales ito na natuto na tayo sa mga leksyon ng nakaraang eleksyon. Na kailangang maging matalino at mapagbantay tayo sa ating balota upang mailuklok ang mga nararapat. Na dapat pahalagahan natin ang iisang boto natin bilang bahagi ng kabuoan para sa isang tunay na demokratikong proseso. Na mayroon tayong bahagi sa pagdedesisyon para sa ating bayan.

Maaaring pang pag-aralan ang dahilan ng kapuri-puring pagpapahalaga ng tao ngayong taon sa halalan. Ngunit sa aking palagay, may papel din ang media sa kanilang laging pagpapaalala ng halaga ng boto. Sa aking palagay, mayroon ding epekto sa kabataan ang mga awiting maka-Pilipino na lumitaw at tinangkilik sa kulturang bayan/popular at dahil dito’y mas naging mulat sila sa kanilang maaaring gawin para sa bayan. Isama pa ang mga Pilipinong nagbigay sa bayan ng karangalan sa harap ng mundo, at hindi sila iilan.

Nitong mga nakaraang araw, ginunita natin ang mga araw ng bandila mula ika-28 ng Mayo patungo sa Araw ng Kasarinlan, ika-12 ng Hunyo. Bata pa lamang ako pinagmamasdan ko na ang mga pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan, at sa aking nakita ngayong taon, napakaraming sasakyan, bahay at mga negosyo ang nagsabit ng ating bandila. Hindi ito nangyayari noon sa kabila ng mga patalastas ng media, liban noong panahon ng ating sentenaryo noong 1998, siyam na taon na ang nakakalipas. Noong 1998, ipinakita nating mahal natin ang bayan subalit matapos ng selebrasyon, bumalik rin tayo sa ating kawalan ng tiwala.

Maaaring sabihin ng iba na ang pagsasabit ng bandila ng ating mga kababayan ay wala naman talagang pinatutunayan, subalit para sa akin, may maganda itong pahiwatig. Itong taong 2007 na ba ang simula ng pagbangon ng Pilipino? Ito na ba ang simula ng ating maliliit ngunit siguradong hakbang tungo sa isang magandang bukas?

NASA ATIN ANG SAGOT. Sapagkat ang pagbabago ay dapat magsimula sa sarili, sa ating mga gawain.

Marami pang dapat gawin upang mabawi natin ang ating dangal. Sa tulong ng Dakilang Lumikha, ang Bathala ng Kasaysayan, kayang kaya natin!

Ika-12 ng Hunyo 2007

Araw ng Kasarinlan

Comment on the MBC statement on the SC Decision re the invocation of Exec. Privilege

MBC STATEMENT ON THE SUPREME COURT DECISION REGARDING THE INVOCATION OF EXECUTIVE PRIVILEGE

The Makati Business Club is very concerned with the decision of the Supreme Court in the case of Romulo Neri versus Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, et al. (G.R.No.180643). Their decision gives greater value to executive privilege than to the public's right to know, which is not in keeping with progressive standards of transparency. It also has the effect of restricting the ability of the legislature to act as a countervailing force against executive abuse.

We respect the Court's decision as we respect the rule of law. But we hope that this is not the final word on the matter. We believe the Senate is disposed to challenge the decision as it is in their best interest, and that of the public, to do so. Since the vote was not a resounding mandate in favor of executive privilege, we trust that the Justices will consider society's need for greater transparency, and thus give more weight in future deliberations in favor of the right to public information.


Comment:

The MBC has its self to blame for violation of the Rule of Law in the level of the Supreme Court. The MBC did not complain when the SC installed GMA in substitution of Erap. That was an unconstitutional act on the part of the SC because Erap was never convicted in the impeachment case filed against him. Under the Constitution, a duly elected president may be removed only after conviction in an impeachment proceeding before the Senate. The MBC did not complain then. It did not like Erap's style of governance. Hence, it went along with the SC in the unconstitutional removal of Erap. Obviously, GMA has learned from this trick. She has packed the SC with her personal appointees who now invariably decide in her favor regardless or inspite of constitutional provisions to the contrary. Executive privilege does not exist under the Philippine Constitution. It is contrary to public accountability. It constitutes official secrecy which is contrary to the public policy of transparency in government transactions. The MBC, after tolerating the SC violation of the Rule of Law in the unconstitutional removal of Erap, has only its self, along with the other promoters of Edsa II, to blame for the precedented and continuing violation of the Rule of Law in our unfortunate society. The MBC, along with others, for the sins they committed against the 1987 Constitution, remain accountable to the Filipino people.